Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Pangasinan 3rd District Engineering Office ang pagkukumpuni sa mga bahagi ng Bautista National Road sa pamamagitan ng asphalt patching operations.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bautista, bahagi ito ng mga hakbang para ibalik sa maayos na kondisyon ang kalsada at mabawasan ang panganib sa mga dumaraang motorista at commuter.
Batay sa abiso, inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na araw ang asphalt overlay works sa naturang kalsada bilang karagdagang rehabilitasyon sa apektadong mga bahagi ng daan.
Samantala, pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na maghinay-hinay sa pagmamaneho at sundin ang mga traffic advisories habang nagpapatuloy ang mga roadworks sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









