Saturday, August 29, 2026

Mahigpit 50 pamilya sa pamilya sa Maynila, inilikas na sa gitna ng pananalasa ng habagat

Umaabot na 51 pamilya o 161 mga inidibidual ang inilikas na at dinala sa evacuation centers sa Maynila sa gitna ng patuloy na pananalasa ng Habagat.

Base sa impormasyong inilabas ng Manila Public Information Center, kinabibilangan ito ng 29 na pamilya o 82 indibidwal mula sa binabahang lugar sa Brgy 738 at Brggy 800 sa Tripa De Galina sa San Andres, Maynila na ngayon ay nasa evacuation center sa Sagat, Bahay Kalinga.

14 na pamilya naman o 49 na indibidwal ang inilikas mula sa Barangay 598 sa ika-anim na distrito at dinala sa Likha Multipurpose Hall ng Don Bosco School.

Patuloy naman binabantayan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang sitwasyon sa buong lungsod at lagay ng panahaon sa operations center nito.

Natanggal na rin ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bumagsak na puno sa tapat ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Ermita bunga ng malakas na buhos ng ulan.

Facebook Comments