Friday, June 5, 2026

Fr. Flavie Villanueva, pumalag sa akusasyon ng 18 ex-marines na tumanggap umano siya ng maleta ng pera

Mariing itinanggi ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. ang alegasyon ng 18 nagpakilalang dating marines na naghatid umano sila ng pera kay Fr. Flavie Villanueva.

Ito ay matapos sabihin ng ex-marines na hinatid nila ito mismo sa pari malapit sa isang simbahan sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kalinga Foundation na walang katotohanan ang mga alegasyon at walang nangyaring ganitong transaksyon.

Wala rin naman anilang simbahan sa Mindanao Avenue ang tinukoy partikular ang parokya, simbahan o ministry center ng SVD na kinabibilangan ni Fr. Flavie.

Tinawag nila itong malisyoso, mapanira at grave injustice laban sa isang pari na inilaan ang buhay para sa paglilingkod sa mga mahihirap at sa mga biktima ng mga extrajudicial killings.

Mariin din nilang kinondena ang pagpapahayag ng mga seryosong akusasyon nang walang matibay na ebidensiya at madaling mapabulaanan sa pamamagitan ng nga verifiable facts.

Sa ngayon, hindi anila titigil si Fr. Frlavie sa kaniyang paninindigan para sa mga mahihirap, mga biktima at mga humihiling ng katotohanan at hustisya.

Facebook Comments