Friday, June 5, 2026

Publiko, pinag-iingat ng isang lider ng Kamara laban sa mga panlilinlang at mga kasinungalingan tulad ng listahan ng mga nakatanggap ng maletang may pera

Iginiit ni House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin na walang katotohanan, walang batayan, at hindi dapat bigyan ng konsiderasyon ang pinalutang ng ex-marines sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na tumanggap din siya ng maletang may pera.

Dismayado si Garin, na nagagamit ang Senado ng sarili nitong mga miyembro para isulong ang pansirili nilang political agenda at magpakalat ng hindi totoong kwento laban sa ilang miyembro ng House of Representatives.

Bunsod nito ay nananawagan si Garin sa taumbayan na maging mapanuri at mag-ingat laban sa malawakang propaganda, drama sa politika at panlilinlang para baluktutin ang katotohanan.

Diin ni Garin, ang karapat-dapat para sa mamamayang Pilipino ay katotohanan lamang at mga beripikadong impormasyon at hindi ang mga malisyosong imbentong kwento na pawang pamumulitika ang layunin.

Facebook Comments