
Naging produktibo ang pagpupulong ng Pilipinas at US Trade Representative kaugnay sa 17% reciprocal tariff na ipinataw ng Washington sa mga produktong magmumula sa Maynila.
Sa Malacañang press briefing, iniulat ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, na nabuksan ng Philippine delagation ang lahat ng concern na idinulog sa kanila ng stakeholders mula sa export industry ng bansa.
Tinalakay rin ang mga potensyal na arrangement upang mapatatag ang trade ties ng Pilipinas at Amerika.
Sa usapin ng zero tarrif, sinabi ni Go na positibo silang may mailalabas ng framework ang US Trade Representative at Pilipinas bago matapos ang 90 days moratorium ng additional tariff na ipinataw ng Amerika.
Ayon kay Go, hayaan na lang muna ang technical working group na talakayin ang pagbuo ng framework sa kung ano ang kahihinatnan ng negosasyon kaugnay ng inihihirit ng Pilipinas na Free Trade Agreement.