Tuesday, May 19, 2026

FRUIT VENDOR, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION; P122K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA PANGASINAN

Arestado ang isang 43 anyos na fruit vendor matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang isang lalaki at residente ng Urdaneta City.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang anti-illegal drug operation sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 1, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nasamsam mula sa operasyon ang tinatayang 18 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P122,400. Ang mga ilegal na droga ay nakalagay sa apat na heat-sealed transparent plastic sachet.

Nakumpiska rin ang ilang non-drug evidence.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa lugar ng operasyon sa harap ng mga mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.

Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments