Wednesday, June 24, 2026

24 TRAINEES SA ALAMINOS, PUMASA SA DRESSMAKING NC II

Matagumpay na nakapasa ang 24 na benepisyaryo sa pagsusuri para sa Dressmaking NC II sa ilalim ng Community-Based Training Program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang naturang pagsasanay ay isinagawa ng TESDA Provincial Skills Assessment and Training (TESDA-PSAT), na naglalayong mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa larangan ng dressmaking bilang potensyal na hanapbuhay.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Alaminos City, ang tagumpay ng mga nagsipagtapos ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan at paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho at negosyo.

Nagpahayag ng pasasalamat ang LGU Alaminos City sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa patuloy na pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan na tumutulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo.

Inaasahan naman na ang mga bagong sertipikadong skilled workers ay magagamit ang kanilang kasanayan upang makapagsimula ng sariling kabuhayan o makapasok sa industriya ng garment production. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments