Tuesday, May 19, 2026

LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA NUMBER GAMES SA PANGASINAN

Arestado ang isang 55 anyos na lalaki matapos mahuling sangkot umano sa ilegal na number games operation sa Mabini, Pangasinan.

Ayon sa awtoridad, nagsagawa ng operasyon kontra ilegal na sugal ang kanilang mga tauhan katuwang ang PIU Pangasinan PPO, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos itong tumanggap ng pustang pera para sa ilegal na larong “Grand 88” mula sa isang undercover police operative na nagpanggap na bettor.

Nabigo umano ang suspek na magpakita ng anumang dokumento o awtorisasyon upang mag-operate ng naturang number game kaya siya inaresto dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling Law.

Nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang P8,379 na pera sa iba’t ibang denominasyon, kabilang ang mga buy-bust money, iba’t ibang papelitos, mga bolpen, sling bag, at isang motorsiklo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments