Dahil dito, nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at ng Department of Education (DepEd) ang isang Memorandum of Agreement sa Central Office ng ahensya sa Makati para sa pagpapatupad ng proyektong pang-imprastraktura sa lungsod.
Batay sa ulat, direkta itong mapapakinabangan ng Malued Elementary School at Carael National High School.
Ayon sa Schools Division Office, nasa halos 300 karagdagang silid-aralan pa ang kinakailangan ng lungsod upang matugunan ang patuloy na pagdami ng mga mag-aaral.
Kabilang ang mga proyektong sakop ng kasunduan sa mga matagal nang hinihintay na imprastrakturang pang-edukasyon sa lungsod.
Inaasahang makatutulong ang mga bagong proyekto para mabawasan ang classroom backlog at mapabuti ang kalidad ng pag-aaral ng libu-libong estudyante | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






