Fully vaccinated na mga batang nasa edad 12-17 taong gulang, pumalo na sa higit 7 milyon

90

Aabot na sa 7.5 milyon na mga batang nasa edad 12-17 taong gulang ang fully vaccinated, as of January 28, 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, resulta ito sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa naturang age group.

Bunsod nito, makatitiyak ang lahat na ligtas at epektibo ang mga bakunang ituturok sa mga bata at makapagbibigay ito ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.


Samantala, wala rin aniyang dapat na ipangamba ang mga magulang dahil mas kaunting formulation naman ang ituturok sa mga batang edad 5-11 taong gulang na magsisimula na ang pagbabakuna sa darating na Biyernes Feb.4, 2022.

Facebook Comments