Friday, October 9, 2026

Ilang indibidwal, kuntento sa trabaho ni PBBM kahit pa bumaba ang kaniyang satisfaction rating

Kuntento ang mayorya sa publiko sa naging performance ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ito’y kahit pa bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sac-11 batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa nitong nakaraang Setyembre 2026.

Sa pinakahuling survey, nasa 35% ng mga adult Filipino ang nasiyahan sa trabaho ng pangulo habang 20% ang hindi makapagpasya, at 46% ang hindi nasiyahan.

Pero, ilan sa mga nakausap ng DZXL News ay naniniwala pa rin sa kakayahan ni Pangulong Marcos Jr. sa pamumuno nito sa bansa.

Ayon kay Kuya Carrell Domingo, kung ikukumpara sa mga nagdaang pangulo ng bansa, mas marami pa rin nagawa at ginagawa si Pangulong Marcos Jr. na magbebenipisyo ang bawat Filipino.

Halos lahat rin ay kuntento at naniniwala na marami pa magagawa ang pangulo hanggang sa huling taon ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments