
Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa halos 200 na pamilyang nasunugan ng bahay sa reaidential area sa kahabaan ng Waling-Waling Street sa Barangay Central, Quezon City noong Martes, October 6.
Kabilang dito ang 200 sleeping kits, 200 kitchen kits, at 1-k na ready-to-eat-foods.
Patuloy na mino-monitor ng ahensya ang kalagayan ng mga biktima ng sunog sa barangay multi-purpose covered court ng Barangay Central, para masigurong nagkakaroon sila ng access sa mga pangunahing pangangailangan, gaua ng malinis na tubig, family kits, at fold and non-food items.
Matatandaang nagsimula ang sunog sa nasabing lugar pasado alas-dose ng tanghali at naapula naman pasado alastres ng hapon noong Martes, Oct. 6 na umabot pa sa ikalimang alarma.
Patuloy umanong makikipag-ugnayan ang DSWD sa awtoridad at partner agencies para matukoy ang pinagmulan ng sunog at kabuuang lawak ng pinsala.










