
Posibleng magkaroon ng work stoppage order ang Atienza Interisland Shipping Lines matapos na makitaan pa ng mga paglabag ang iba pa nilang barko.
Sa panayam kay Labor Secretary Francis Tolentino, matapos ang isinagawang pagdinig noong Biyernes , Oktubre 9 inakyat ng kanilang labor inspectors ng NCR noong Sabado ang dalawa pang barko na nasa Navotas na patuloy na naglalayag.
Ayon kay Sec. Tolentino, napag-alaman na ang mga barko ay walang safety officer, walang emergency preparedness plan at occupational safety and health program.
Bukod dito, lumalabas rin sa komputasyon na hindi napapasahod ng tama ang kumpanya kung kaya’t binigyan ng direktiba ang pamunuan ng kumpaniya na pasahurin ng tama ang mga manggagawa sa loob ng 10 araw.
Inaabangan naman ang final evaluation para malaman kung posibleng isara na ang kumpanya.
Matatandaang isa sa barko ng Atienza Shipping na MV June Aster ay nasunog sa karagatan ng Coron, Palawan noong September 2026 kung saan 77 ang napaulat na namatay.










