POLICE STATION 1, NANGUNA SA 2026 DAGUPAN CITY EMPO CHALLENGE

‎Nanguna ang Police Station 1 sa isinagawang 2026 City Enhanced Managing Police Operations o CEMPO Challenge ng Dagupan City Police Office noong Agosto 19, 2026.
‎‎Pinuri ng DCPO ang pamumuno ni PCPT Christopher E. Agnote, Station Commander ng Police Station 1, matapos makuha ng kanilang unit ang unang pwesto sa naturang kompetisyon.

‎Ipinakita umano ng Police Station 1 ang mahusay na operasyon, epektibong mga estratehiya sa pag-iwas sa krimen at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa kanilang nasasakupan.

‎Ayon kay PCOL Arnold P. Solomon, City Director ng DCPO, sumasalamin ang tagumpay ng Police Station 1 sa dedikasyon, pagtutulungan at serbisyong inilalaan ng mga tauhan nito sa mga Dagupeño.

‎Iniugnay din niya ang pagkilala sa DCPO BANGUS initiative, na nakatuon sa mabilis, maaasahan at may integridad na serbisyo, alinsunod sa Enhanced ALERTO Framework ng Police Regional Office 1 at sa adhikain ng PNP para sa isang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

‎Hinimok naman ang iba pang tauhan ng DCPO na ipagpatuloy ang mataas na pamantayan sa public safety, operational readiness at integridad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments