Layunin ng kanilang pagbisita na masilayan ang likas na kagandahan ng isa sa mga ipinagmamalaking destinasyon ng Pangasinan.
Bakas ang tuwa at paghanga sa mga dayuhang bisita habang nililibot nila ang mga isla ng Hundred Islands National Park sa pamamagitan ng island hopping at nasaksihan ang mga natatanging tanawin nito.
Nagkaroon din sila ng pagkakataong bisitahin ang marine fisheries, makilala ang mayamang lokal na kultura, at maranasan ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng Alaminos City.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT), naging posible ang pagbisitang ito na inaasahang magpapalakas pa sa pagsusulong ng turismo sa Alaminos City.
Inaasahan din na higit nitong maipapakilala ang Hundred Islands National Park sa mga dayuhang turista at makapagbibigay ng mas maraming oportunidad na magpapasigla sa lokal na ekonomiya ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








