SSS E-WHEELS PALENGKE CARAVAN, DINAGSA SA URBIZTONDO PUBLIC MARKET

Dinagsa ng mga residente ang Urbiztondo Public Market noong Hunyo 26 nang ilapit ng SSS San Carlos City Branch ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng SSS e-WHEELS Palengke Caravan.

Ayon sa ulat, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, naging sentro ng impormasyon at serbisyo ang palengke kung saan tinulungan ang mga miyembro at mga nais magparehistro sa Social Security System (SSS).

Kabilang sa mga serbisyong inihatid ng caravan ang membership at My.SSS registration assistance.

Nagkaroon din ng beripikasyon ng SSS records at contribution, Annual Confirmation of Pensioners (ACOP), gayundin ang benefit consultation at loan application assistance.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pinadali ang pag-access ng publiko sa mga serbisyo ng ahensya nang hindi na kinailangang bumiyahe pa sa tanggapan para maasikaso ang kanilang mga transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments