LIBRENG PAGPAPAANAK SA RHU I BAYAMBANG, MULING MAGAGAMIT MATAPOS ANG ANIM NA BUWANG PAGSASAAYOS ‎

Maaari nang muling makinabang ang mga buntis na residente ng Bayambang sa libreng serbisyo sa pagpapaanak ng Rural Health Unit I (RHU I).

‎Ito’y muling nagbukas kasunod ng anim na buwang pansamantalang pagsasara para sa pagsasaayos ng pasilidad.

‎Tumatanggap na muli ang RHU I ng mga buntis na may low-risk pregnancy o yaong walang nakikitang komplikasyon at may kumpletong prenatal check-up.


‎Inaasahan na sa muling pagbubukas ng nasabing pasilidas ay maipagpapatuloy nito ang dekalodad na pagseserbisyo para sa pangkulusugan ng mga ina at mga sanggol.

‎Nanatili ring libre ang serbisyo sa pagpapaanak bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang ligtas na panganganak at pangangalaga sa kalusugan ng mga ina.

‎Sa mga buntis, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang barangay health workers o bumisita sa RHU I nang sa gayon ay maayos ang mga kinakilangang kumpletuhing dukumento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments