CLEARING AT TRIMMING OPERATION, ISINAGAWA SA SAN JOSE, SAN JACINTO

Nagsagawa ng clearing at tree trimming operations ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng San Jose sa San Jacinto, Pangasinan.

Para ito sa pag-iwas sa pagbaha at posibleng magiging epekto ng tag-ulan.

Sa ibinahaging post, kabilang sa isinagawa ay ang pagputol at pagtabas ng mga sanga ng puno at iba pang mga halamang maaaring magdulot ng panganib sa mga residente sa panahon ng masamang panahon.

Bahagi ang regular na paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan sa disaster preparedness. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments