Gilas, magtutungo sa Qatar para sa FIBA Asia qualifiers

26

Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier sa Pebrero 17 hanggang 23.

Ayon sa FIBA, ang Doha ang magsisilbing bubble city para sa tatlong grupo sa final window ng qualifiers matapos kanselahin ng Pilipinas ang hosting sa Group A at C qualifiers bunsod ng umiiral na travel ban.


Haharapin ng Gilas ang Korea sa Feb. 18 at 22 habang makakalaban nila ang Indonesia sa Feb. 20.

Isang panalo lang ang kailangan ng Gilas para makapasok sa 2021 FIBA Asia Cup na gaganapin sa bansang Indonesia sa August 16 hanggang 28.

Bukod sa Group A, maglalaro rin sa Doha bubble ang teams mula Group B na China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at Group E na binubuo ng Iran, Saudi Arabia, Syria at Qatar.

Facebook Comments