Gilas Pilipinas, pasok sa Group D ng 2022 FIBA Asia Cup

Pasok ang Gilas Pilipinas sa Group D ng 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Hulyo sa Jakarta, Indonesia.

Makakasama ng Gilas sa Group D ang New Zealan, Lebanon at India.

 

Ang Indonesia ay napabilang sa Group A kasama ang Australia, Saudi Arabia, at Jordan habang nasa Group B ang China, South Korea, Chinese Taipei, at Bahrain.


Nasa Group C naman ay binubuo ng Japan, Iran, Kazakhstan, at Syria.

Pero bago ang Asian Cup, makakaharap muna ng Gilas ang New Zealand at India sa window ng FIBA World Cup Asian qualifiers ngayong buwan.

Makakatapat ng Gilas ang India sa February 25 habang sa 27 naman ang New Zealand.

Facebook Comments