Naaresto ng Police Regional Office 1 ang dalawang most wanted person sa La Union at sa Pangasinan, nito lamang araw ng miyerkules.
Ayon sa PRO1, naaresto ng kapulisan ang isang 24 anyos na lalaking may kasong Statutory Rape at itinuturing na 2nd Most Wanted Person sa bayan ng Rosario, La Union.
Sa Pangasinan naman, naaresto ang isang 36 anyos na lalaki na taga-Urdaneta at itinuturing na 8th most wanted sa provincial level dahil sa kasong rape at lascivious conduct.
Ang pagkakaresto sa mga ito ay isa umanong pagpapatunay ng dedikasyon ng kapulisan para mapangalagaan ang seguridad ng publiko sa rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments