Dalawang championship award ang nasungkit ng Local Civil Registry Office (LCRO) ng San Carlos City sa Outstanding Local Civil Registry Office Awarding Ceremony, bilang pagkilala sa mahusay na serbisyo at pakikipagtulungan sa larangan ng civil registration.
Nagkampeon ang tanggapan sa Naimpusuan A Panagserbi Award at Natalged A Timpuyog Award, kapwa sa Super ExtraLarge Category.
Kinikilala ng unang parangal ang natatanging pagganap at dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa civil registration, habang binibigyang-pugay naman ng ikalawa ang mahusay na pakikipagtulungan at matibay na ugnayan sa pagpapabuti ng mga serbisyong ito.
Nakuha rin ng LCRO ang ikatlong puwesto sa 2025 Outstanding LCRO Award sa Super ExtraLarge Category at naging regional finalist sa Natulnog Award sa Extra Large Category.
Samantala, nagkampeon ang Pangasinan Civil Registry Association sa Outstanding Local Civil Registrars Association Award, habang ginawaran naman si CCR Lourdes M. Llamas ng Special Citation Award for Leadership bilang dating pangulo ng CRARI. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











