Global payments company na WorldRemit, tutulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Pilipinas

37

Nagpasya ang Global payments company na WorldRemit na i-waive ang halagang kailangang bayaran kung magpapadala sa kanilang kumpanya bilang tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Pilipinas.

Ayon kay Earl Melivo, Country Director for the Philippines ng WorldRemit, magaganap ito mula ika-4 hanggang ika-10 ng Nobyemre.


Malaking tulong aniya ito sa Pilipinas hindi lamang para makabangon dulot bagyo kundi maipakita ang suporta sa buong global Philippine community.

Maaaring makiisa ang mga customer ng WorldRemit sa pamamagitan ng kanilang website na www.worldremit.com at mobile App at gamitin ang code na “PHRolly”.

Facebook Comments