Globalport, pasok na sa quarterfinals matapos talunin ang Alaska Aces

PBA – Pasok na sa quarterfinals ang Globalport Batang Pier matapos talunin ang Alaska Aces sa iskor na 107-106.

Pinangunahan ng import na si Justin Harper ang Globalport na nakapagtala ng 32 points at 17 rebounds habang mayroong 26 points, limang rebounds at tatlong assists naman si Terrence Romeo.

Hawak ng Alaska ang kalamangan mula unang quarter hanggang nahabol ito ng Globalport pagpasok ng second half.


Dahil sa panalo, makakaharap ng Globalport ang Barangay Ginebra para sa best-of-three quarterfinals.
DZXL558

Facebook Comments