GOALS | Yuka Saso target naman ang Youth Olympic Games

19

Pangungunahan ng golfer na si Yuka Saso ang kampanya ng Team Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games o YOG na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina sa susunod na buwan.

Si Saso ay nakakuha ng gintong medalya sa individual at women’s team play sa katatapos na 2018 Asian Games sa Indonesia.

Kasama ni Saso si Luis Miguel Castro na lalahok sa golf ng Youth Olympiad na magsisimula sa October 6 hanggang 18.

Hindi naman nagpapaapekto sa pressure si Saso. Ayon sa disisyete anyos, gusto niyang ma-enjoy muna na kasali siya sa YOG.

Bukod kina Saso at Castro kasama rin sa Team Pilipinas sina archer Nicole Tagle, kiteboarder Christian Tio, table tennister Jan Mari Nayre, swimmer Nicole Oliva at Fil-Am fencer Lance Tan.

Facebook Comments