Good health, birthday wish ni Pangulong Duterte sa kanyang anak na si VP-elect Sara Duterte-Carpio

96

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang good health para kay Vice President-elect Sara Duterte Carpio.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar, hiling din ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtagumpay ang kanyang anak na ngayon ay 2nd highest official na ng bansa.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ni Duterte-Carpio ang kanyang ika-44 na kaarawan.


Una na siyang binati ng kanyang ka-tandem na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan tinawag pa siya nitong “best running mate at BFF”

Si Inday Sara ay iprinoklama kamakailan bilang 15th Vice President ng bansa makaraang makakuha ng 32 million votes.

Facebook Comments