Matatandaang nakaranas ng malawakang pagbaha ang lungsod nitong mga nakaraang linggo bunsod ng bagyo at patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat. Dahil dito, naapektuhan ang biyahe ng mga motorista at drayber, habang napilitan ding magsara o pansamantalang hindi magbukas ang ilang negosyo.
Ayon sa ilang negosyante, unti-unti nang bumabalik sa normal ang kanilang mga operasyon matapos humupa ang baha.
Bagamat may tubig baha pa rin ay maayos na rin umano ang kanilang mga pwesto at nakakabalik na sila sa pagbubukas ng kanilang mga negosyo.
Samantala, ikinatuwa rin ng mga motorista at drayber ang unti-unting pagbuti ng kondisyon ng mga kalsada.
Bagama’t may ilang lugar pa ring bahain, partikular sa mga low-lying areas, mas maayos na umano ang kanilang mga ruta kumpara sa mga nakalipas na araw.
Umaasa ang mga residente, negosyante at motorista na tuluyan nang mawawala ang baha upang ganap na makabalik sa normal ang kanilang kabuhayan at pang-araw-araw na pagbiyahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








