Tuesday, September 1, 2026

Pasay LGU, naglabas na rin ng advisory dahil sa mababang kalidad ng hangin sa Metro Manila dahil sa haze mula Indonesia

Nagpaalala ngayon ang Pasay City LGU dahil sa mababang kalidad ng hangin na dulog ng haze dahil sa sunog sa Kalimantan, Indonesia na natatangay dulot ng hanging habagat.

Ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa sunog o abo.

Umabot na rin ito sa ilang bahagi ng Luzon at nagdulot ng “poor air quality.”

Dahil dito, pinayuhan ng Pasay LGU ang mga Pasayeño na manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari o kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan.

Magsuot ng N95 mask kung lalabas ng bahay.

Isara ang mga pintuan at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang at gumamit ng headlights o fog lights kapag bibiyahe sa gabi at malabo ang paligid.

Maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Health Office, Pasay City General Hospital o Pasay Disaster Risk Reduction Management Office para sa tulong o karagadagang impormasyon.

Facebook Comments