ILANG EVACUEES SA CALASIAO, NAGHANAP-BUHAY SA LOOB NG EVACUATION CENTER BILANG DAGDAG-BUDGET NGAYONG MAY KALAMIDAD

Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng kanilang higaan, si Aleng Virginia, na isa sa mga naapektuhan ng baha, ay abala sa pagluluto hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi para may maibenta.

‎Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi niyang mag-iisang linggo na silang pansamantalang naninirahan sa evacuation center kasama ang kanyang pamilya kaya pagbebenta ang isa sa nakikita niyang mapagkakakitaan at makalikom ng budget sa kanilang pang araw-araw, bukod pa sa mga ipinamamahaging relief packs at pagkain ng awtoridad.


‎Isa ang pamilya ni Aleng Virginia sa 250 pamilyang nag-evacuate sa Calasiao Sports Complex, ayon sa datos ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong Setyembre 4.

‎Nagkakaroon ng iba’t ibang aktibidad sa loob ng center katulad na lamang ng film viewing at lectures ukol sa pangangalaga sa kalikasan at seguridad.
‎‎
‎Ayon sa MSWDO, habang naninirahan sa evacuation centers ang mga evacuees, sinisiguro nilang nagiging responsable ang mga gumagamit nito, habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments