Wednesday, September 2, 2026

Manila LGU, naglabas ng abiso hinggil sa mga isasarang kalsada sa mga araw ng bar exam

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga motorosta hinggil sa mga isasarang kalsada sa 2026 Bar Examinations sa September 6, 9, at 13, 2026.

Sa abiso ng Manila LGU, isasara ang mga kalsada sa paligid ng San Beda University at University sa Sto. Tomas sa loob ng tatlong araw.

Partikular ang Dapitan Street at España Blvd. sa UST mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Maging ang Mendiola Street, Concepcion Aguila at bahagi ng Legarda Street sa San Beda ay sarado rin mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga motorista at commuters na magplano ng biyahe nang maaga at gumamit ng mga alternatibong ruta kung maaari upang hindi maaabala.

Humihingi ang Manila LGU ng pang-unawa at pakikiisa sa publiko upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga araw ng bar exam.

Facebook Comments