Grupo ng Igorot, nadismaya sa pahayag ni Imee Marcos

via RMN Files

Sinagot ng Progressive Igorots for Social Action (PIGSA) ang pahayag ni Senator Imee Marcos tungkol sa pagtatanghal ng ritual ng mga Igorot sa opisina ni Antonio Trillanes IV.

Sinabi nila na ito’y isang pangungutya sa sagradong ritwal ng mga Igorot.

“Imee, asking the Igorot to dance for a blessing is a mockery of the sanctity of our rituals and traditions. We will not dance for you, because a dance for a Marcos is a dance for shame,” pahayag ng PIGSA.


Tinawag nilang isang murderer at magnanakaw si Imee na dapat ay maging responsable sa kaniyang naging pahayag at hatulan.

“A murdered and a thief taking our culture for granted, and stealing our identity to the point of even owning it- that person must be held accountable and condemned,” ani PIGSA.

Dagdag nila, hindi rin pagmamay-ari ni Imee ang mga Igorot. Hindi naman na sumagot si Imee sa kanilang naging pahayag.

 

Facebook Comments