
Naglabas ng paglilinaw ang Philippine Consulate sa Hong Kong kaugnay sa pagkuha ng Certificate of No Criminal Conviction (CNCC).
Ayon sa Konsulado, ang endorsement o request letter para sa pagkuha ng CNCC mula sa Hong Kong Police Force (HKPF) ay dapat hingin mula sa Philippine Consulate ng bansang patutunguhan o ng bansang nagtatakda ng pagsumite ng CNCC.
Halimbawa anila, ang isang Pilipinong aplikante ng U.S. visa ay dapat humingi ng endorsement o request letter para sa pagkuha ng CNCC mula sa Philippine Consulate ng U.S. sa Hong Kong at hindi sa Philippine Consulate sa Hong Kong.
Para naman sa mga CNCC na gagamitin sa pag-aapply ng visa para sa Pilipinas, tulad ng 13A spouse visa ng banyagang asawa ng Pilipino, ang endorsement o request letter para sa pagkuha ng CNCC ay dapat kunin sa Philippine Consulate sa Hong Kong.










