Tuesday, July 28, 2026

Atty. Levi Baligod at 18 bodyguards, pinakakasuhan na ng DOJ – Trillanes

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso sina Atty. Levi Baligod at 18 dating bodyguards ni dating Representative Zaldy Co.

Batay sa kopya ng resolusyon ng DOJ prosecutors na inilabas ni dating Sen. Antonio Trillanes, inirekomenda ng Justice Department ang pagsasampa ng mga reklamong cyberlibel at perjury laban sa mga ito.

Nag-ugat ang reklamo sa press conference, mga social media posts nina Baligod at mga pahayag nila.

Naghain ng patung-patong na reklamo si Trillanes laban kina Baligod at 18 bodyguards matapos siyang pangalanan na tumanggap umano ng maleta ng pera na mula sa flood control projects.

Wala pa namang inilalabas na karagdagang detalye ang DOJ kaugnay dito.

Facebook Comments