Tuesday, May 5, 2026

Guro sa pampublikong eskwelahan, hindi ligtas sa pagpapatupad ng ARAL Program at Summer Remediation Program

Mistulang mas bibigat pa ang trabaho ng mga guro sa pampublikong eskwelahan matapos malaman na kasali sila sa magpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program at Summer Remediation Program o SRP base sa guidelines na inisyu ng Department of Education (DepEd).

Kasabay nito, mariin iginiit ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na taliwas ito sa ipinangako ng departamento sa budget deliberation noong nakaraang taon.

Giit pa ng mambabatas, ipinaglaban nila ang P8.96-B na pondo para sa programa para makapag-hire ang DepEd ng mga tutor, makapagbigay ng materials at training, at maayos na sweldo; pero kung ganito aniya ang magiging sistema ay kailangang ipaliwanag ng DepEd kung paano gagamitin ang nasabing pondo—gaya ng pagbabayad ng patas sa mga guro at tutor, kasama ang overload at overtime nilang pagtatrabaho.

Matatandang naglaan ng pondo para sa nasabing programa para mag-hire ang DepEd ng mga tutor na siyang mag-iimplementa sa nasabing programa at masigurong hindi ito sasaluhin ng mga guro sa pampublikong eskwelahan pero mistulang ayaw umanong gamitin ng departamento ang nasabing pondo.

Kaya naman, kasali pa rin ang mga guro sa pampublikong eskwelahan sa mag-aasikaso ng nasabing programa simula bukas, May 6 hanggang sa June 2 kasabay ng paghahanda rin nila sa pagsisimula ng Academic Year 2026-2027.

Facebook Comments