Tuesday, May 5, 2026

Pagbebenta ng murang bigas sa Pasay Public Market, limitado muna ayon sa lokal na pamahalaan

Humihingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Pasay hinggil sa late advisory sa pagbebenta ng murang bigas sa Pasay City Public Market.

Sa abiso ng Pasay LGU, limitado lamang sa 85 na katao ang makakabili ng murang bigas at hindi na sosobra dito ang bilang ng pila.

Paliwanag ng Pasay Public Market, hindi nakarating ang order na bigas mula sa National Food Authority (NFA) kung saan kasalukuyan naka-hold pa ang mga delivery.

Kaya’t dahil dito, wala pa kasiguraduhan kung kailan darating o makakapag-deliver ng suplay ng bigas sa nabanggit na palengke.

Matatandaan na muling sinimulan sa Pasay Public Market ang pagbebenta ng P20 na kilo ng bigas kung saan ang mga may hawak na suki card ay maaaring makabili ng 10 kilo sa loob ng 10 araw o 30 kilo sa isang buwan pero isang beses lamang maaaring pumila.

Facebook Comments