Halaga ng pinsala sa imprastraktura dahil sa Bagyong Paeng, sumampa na sa higit ₱760 million – NDRRMC

Sumampa na sa mahigit ₱760 milyon ang iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa imprastraktura.

Ito ay batay sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan umaabot na ito sa ₱760,361,175.

Ayon sa NDRRMC, ang naturang bilang ay galing sa Regions 1, 5, 6, 7, 10, 11, 12 at Mimaropa.


Sa kabuuan ay 55 sa mga imprastraktura ang napinsala, habang 6,542 na mga bahay naman ang nasira.

Samantala, batay sa Department of Agriculture (DA) ay pumalo na sa higit isang bilyong piso ang iniwang pinsala naman ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments