
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suportado nila ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas sa P350,000 kada taon ang income tax exemption threshold.
Sabi ni Labor Secretary Francis Tolentino, malaking tulong ang naturang panukala dahil hindi lamang mga minimum wage earner ang makikinabang kundi maging ang mga manggagawang bahagyang mas mataas ang sahod.
Sa kabila nito, kailangan aniyang maamyendahan na ng Kongreso ang National Internal Revenue Code para tuluyan itong maisakatuparan.
Umaasa naman ang kalihim na maisusulong ang mga kinakailangang hakbang bago matapos ang taon para sa agarang ginhawa sa mga manggagawang Pilipino.
Facebook Comments










