Airport sa Basco at Itbayat, hindi pa magamit matapos ang pananalasa ng Bagyong Henry

49

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala namang pinsalang tinamo ang Basco at Itbayat Airports sa pagtama ng Bagyong Henry.

Gayunman, sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolonio na nagsasagawa muna ng clearing ng Foreign Object Debris (FOD) sa runway at terminals ng naturang mga paliparan bago ito magbukas sa incoming flights.

Maglalabas ng abiso ang CAAP sa airline operators kapag handa na sa operasyon ang runway at terminals sa nasabing airports.


Ngayong araw na ito, kanselado pa rin ang flight patungong Basco, Batanes at pabalik ng Maynila.

Facebook Comments