Thursday, August 27, 2026

PBBM, ginawaran ng Honorary Doctor of Laws Degree

Ginawaran si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Doctor of Laws, Honoris Causa, ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM, sa 58th Commencement Exercises nito sa PICC, Pasay City.

Ito ang pinakamataas na academic degree na ibinibigay sa isang indibidwal bilang pagkilala sa kanyang serbisyo at ambag sa bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na dapat manatiling daan sa oportunidad at pag-unlad ang edukasyon.

Dahil dito, patuloy aniyang palalawakin ng pamahalaan ang access sa higher education at financial assistance para sa mga estudyante.

Dapat suportahan ang mga estudyante hanggang makatapos at magkaroon ng mas magandang oportunidad sa trabaho.

Hinimok naman ni Marcos ang mga graduate na gamitin ang kanilang kaalaman para makatulong sa kapwa at sa pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments