
Matagumpay na naisagawa ang Dental Mission sa noong Abril 18, kung saan umabot sa 798 na serbisyo sa kalusugan ng ngipin ang ibinigay sa mga residente ng Dagupan City.
Ang Mga Serbisyong ipinagkaloob sa mga residente na tulad ng 21 para sa Wisdom Tooth Extraction, 116 na Tooth Extraction, 63 para sa Filling (Pasta), 223 para sa Oral Prophylaxis (Cleaning), 223 para sa Fluoride Application, at 152 naman para sa Dental Check-up na umabot sa Kabuuang 798 na Serbisyo.
Ang aktibidad ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalusugan ng ngipin at bibig ng mga Dagupeño. Kasama sa mga nabigyan ng serbisyo ang mga mag-aaral, kabataan, at matatandang nangangailangan ng dental check-up at iba pang mga oral health interventions.
Ayon sa mga organizer, ang aktibidad ay isang malaking hakbang upang matulungan ang komunidad ng Dagupan, at inaasahan nila ang mga susunod pang medical at dental missions upang mapanatili ang malusog na pangangatawan at ngipin ng mga residente.
Hinihikayat ang mga residente na magpatuloy sa pangangalaga ng kanilang oral health upang matiyak ang malusog na mga ngipin at magandang ngiti. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










