DOWNTOWN, DAGUPAN CITY, NAKARANAS MULI NG PAGTAAS NG TUBIG BAHA NGAYONG ARAW

Nakaranas muli ng pagtaas ng tubig baha ang bahagi ng Downtown sa Dagupan City ngayong araw dulot pa rin ng nararanasang pag-uulan dulot ng Habagat.
‎‎Ang ilan sa motorista, nahirapan muli sa pagtawid ng kanilang mga sasakyan ngunit tuloy pa rin sa biyahe.

‎Nakayanan pa rin ng jeepney ang tubig sa nasabing bahagi at nagtutuloy pa rin sa pamamasada.

‎Ilang komyuters din ang nagbota muna habang ang iba—tiis tiis munang magbabad ang mga paa sa tubigan para lamang makapunta ng kanilang mga trabaho at pagkakaabalahan.

‎Bukod sa Downtown, ilang pangunahing kalsada pa sa lungsod ang nakaranas muli ng tubig baha.

‎Samantala, bunsod ng nararanasang panahon, walang face to face classes ngayong araw at nagkaroon naman ng alternative work set up ulit sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments