TOP 1 MOST WANTED SA LA UNION, ARESTADO SA MANDALUYONG CITY DAHIL SA 2 KASO NG QUALIFIED RAPE

Arestado sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City, Manila, nitong umaga ng Agosto 17, 2026 ang itinuring na Top 1 Most Wanted Person sa La Union.

‎Kinilala ang suspek bilang isang 38 anyos na construction worker at residente ng Rosario, La Union.


‎Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Qualified Rape, kung saan walang inirekomendang piyansa.


‎Pinangunahan ng Rosario Police Station ang operasyon, katuwang ang La Union Police Intelligence Unit (LUPIU), Regional Intelligence Unit 1, Regional Intelligence Division 1 (RID 1), at 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (2nd LUPMFC).

‎Nasa kustodiya na ngayon ng Rosario Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ito i-turn over sa korte na naglabas ng warrant. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments