Nakatanggap ng kabuuang halos P7 milyong cash relief assistance ang 1,396 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa bayan ng Mangaldan mula sa Department of Social Welfare and Development noong Abril 16, 2026.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-₱5,000 na ayuda, na itinuring ng mga drayber bilang malaking tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin.
Ipinaliwanag naman ng ahensya na hindi kwalipikado sa programa ang mga tsuper na may expired na driver’s license at ang mga gumagamit ng kolorum na sasakyan.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na layunin ng inisyatibang ito na maibsan ang epekto ng krisis sa kabuhayan ng mga tricycle driver, na kabilang sa mga sektor na direktang naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis, tulad ng mga jeepney driver. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










