Friday, April 17, 2026

32 BIIK, IBINIGAY SA IKASAMPUNG BATCH NG SWINE MULTIPLIER FARM PROGRAM SA MANAOAG

Nasa 32 biik ang ibinigay sa mga kwalipikadong magsasaka at household piggery owners sa Manaoag, Pangasinan noong Abril 15, 2026.

Ayon sa ulat, ikasampung batch sa ilalim ng Swine Multiplier Farm program ang mga benepisyaryo kung saan kadalasan ay mga magsasaka at piggery owners.

Sinimulan noong 2022 ang Swine Multiplier Farm Project ng lokal na pamahalaan para palawakin ang produksyon ng baboy at palakasin ang kabuhayan sa sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito, isinagawa ang distribusyon sa tulong ng Department of Agriculture katuwang ang Manaoag Municipal Agriculture Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments