Tuesday, June 23, 2026

ARAW NG PAGBASA TEAM NAGSAGAWA NG MAKABULUHANG READING PROGRAM SA ALAMINOS CENTRAL SCHOOL

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng pagbabasa at pagkatuto, nagtungo ang Araw ng Pagbasa Team ng Alaminos City Library sa Alaminos Central School (ACS) upang magsagawa ng isang makabuluhang programa para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3.

Naging masaya at kapana-panabik ang programa sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng storytelling, puppet show, dance presentation, at iba pang gawaing naghatid ng saya at mahahalagang aral sa mga batang kalahok.

Mainit na tinanggap ng pamunuan ng Alaminos Central School ang programa.

Ayon sa Alaminos City Library, ang naturang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, at iba pang katuwang na institusyon upang maitaguyod ang kahalagahan ng pagbabasa at mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa Lungsod ng Alaminos.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, inaasahang mas mahihikayat ang mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pagkatuto, na mahalagang pundasyon sa kanilang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments