HEPE NG BAGABAG AT ASAWA NITO, SUGATAN SA AKSIDENTE SA CABATUAN, ISABELA

CAUAYAN CITY- Sugatan ang Chief of Police ng Bagabag, Nueva Vizcaya at misis nito matapos bumangga ang sinasakyang SUV sa isang dump truck kahapon, ika-apat ng Pebrero sa Brgy. Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang sugatang hepe na si PMaj. Oscar Abrojena at ang misis nito na si Vicky Abrojena, kapwa residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Habang ang drayber ng dump truck ay si Rodrigo Tagudan, trenta-anyos, at residente ng Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.


Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksiyon kung saan pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nawalan umano ng kontrol sa manibela si Oscar Abrojena dahilan upang pumasok ito sa linya ng paparating na dump truck at mabangga ito.

Bilang resulta, nagtamo ng sugat ang dalawang lulan ng SUV habang hindi naman nasaktan ang drayber ng dump truck.

Facebook Comments