Laganap na online sexual abuse gamit ang mga chat platforms at electronic wallets, ipinasisiyasat sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros ang nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng online sexual abuse sa mga kabataan gamit ang mga chat platforms at electronic wallets.

Sa inihaing Senate Resolution 1307 ni Hontiveros, tinukoy ang report ng cyber security experts na Deep Web Konek na sinasabing may mga menor de edad na Pilipinong biktima o nasasangkot sa online sexual abuses na laganap ngayon sa chat platforms.

Batay sa report, mayroong 100 private channels na naglalaman ng illicit na digital content na mayroong 40,000 na digital files ng mga sensitibong larawan at videos.


Ang mga transaksyon dito ay ginagawa sa pamamagitan ng e-wallet na may mule accounts at disposable digital wallet para hindi ma-track o masubaybayan.

Napagalaman pa sa report na may mga magulang na pumapayag sa online trafficking ng kanilang mga anak kabilang dito ang isang ina na nagbenta umano ng mahigit 200 na mahahalay na files ng sariling anak.

Facebook Comments