
Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula sa Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) na ipatigil muna ang operasyon o paglalagayag ng buong fleet ng Atienza Interisland Ferries Inc.
Sabi ni Ismula, dapat itong gawin habang isinasagawa ang imbestigasyon sa malagim na pagkasunog ng barko nitong MV June Aster nitong September 9 malapit sa baybayin ng Coron, Palawan kung saan 76 na ang naitatalang nasawi.
Katwiran ni Ismula, hindi sapat na tinutulungan lang ng DOTr at MARINA na ma-process ang insurance claims ng mga pamilya habang patuloy na bumabyahe ang ibang barko ng kumpanya.
Kinwestyon din ni Ismula kung bakit ang kapitan lang ng MV June Aster ang hinahanapan ng pananagutan sa trahedya sa halip na mapanagot ang buong Atienza Shipping Lines.
Diin ni Ismula, hindi pwedeng hugas-kamay ang kumpanya kapag may trahedya.
Bunsod nito ay hinihiling din ni Ismula sa pamahalaan na bigyan ng legal support ang pamilya ng mga biktima ng insidente.










