GREEN SEA TURTLE, MATAGUMPAY NA NAIBALIK SA KARAGATAN SA BAUANG, LA UNION

Matagumpay na naibalik sa karagatan ang isang Green Sea Turtle (Chelonia mydas) sa baybayin ng Barangay Pugo, Bauang, La Union noong Sabado matapos makarekober mula sa pinsala sa dalawang harapang palikpik.

Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Bauang, katuwang ang Coastal Underwater Resource Management Actions (CURMA), ang pagpapakawala sa pawikan matapos matiyak na nasa maayos na kondisyon na ito.

Ayon sa MENRO Bauang, sumailalim ang pawikan sa rehabilitasyon at monitoring bago muling ibalik sa natural nitong tirahan.

Layunin ng hakbang na mapangalagaan ang populasyon ng mga pawikan at higit pang mapalakas ang konserbasyon ng yamang-dagat sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments