Kabuuang 34 na kahon ng umano’y illicit cigarettes ang nakuha mula sa isang puting Mitsubishi L300 van dakong alas-5:30 ng hapon noong Setyembre 28, 2026.
Ayon sa Urbiztondo Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Fernan L. Rivera, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y ilegal na transaksyon ng sigarilyo.
Naabutan umano ng mga pulis ang dalawang lalaki habang nagbababa ng mga kahon ng sigarilyo mula sa van.
Ang dalawang suspek ay edad 38 at 31, kapwa residente ng San Antonio, Nueva Ecija.
Ayon sa pulisya, hindi umano nakapagpakita ang mga ito ng kaukulang dokumento para sa pagmamay-ari at transportasyon ng mga naturang produkto.
Nasa kustodiya na ng Urbiztondo Police Station ang dalawang indibidwal habang isinailalim naman sa dokumentasyon ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
